Mga senior citizen na may HIV-AIDS, dapat bigyan ng espesyal na trato ng DOH – Rep. Salo

By Erwin Aguilon September 24, 2018 - 03:49 PM

Hinikayat ni Kabayan Rep. Ron Salo ang Department of Health (DOH) na bigyan ng espesyal na pag-aasikaso sa mga senior citizens na lumalaban sa sakit na HIV-AIDS.

Ayon kay Salo, hindi lang mga kabataan ang maaaring maapektuhan ng HIV-AIDS kaya kailangang mapalakas ang HIV awareness at mahikayat ang mga nagpositibo sa sakit na magpagamot.

Paalala ni Salo sa DOH, dahil sensitibo na ang mga senior citizens dapat ay maging maingat ang mga doktor at nurse sa mga matatandang sumasailalim sa gamutan at counselling sa sakit na HIV-AIDS.

Sa naitalang 6,532 na nagkasakit ng HIV-AIDS mula Enero hanggang Hulyo ng 2018, aabot sa 166 ang nagpositibo sa sakit na nasa edad 50 anyos pataas kung saan pinakamatanda ay 65 anyos na babaeng OFW.

Mula 2013 hanggang 2018, umabot na sa 1,047 na mga nasa edad 50 pataas ang nagkasakit ng HIV-AIDS.

TAGS: doh, HIV-AIDS, Rep. Ron Salo, doh, HIV-AIDS, Rep. Ron Salo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.