Paolo Duterte, hinamon si Trillanes na patunayan ang akusasyon ukol sa P6.4B drug smuggling case
Hinamon ni Presidential son Paolo “Polong” Duterte si Senador Antonio Trillanes IV na patunayan sa korte na sangkot siya sa P6.4 bilyon na drug smugglung case.
Sinagot ni Duterte ang plano ni Trillanes na gawin itong hostile witness sa imbestigasyon ng Senado sa drug smuggling.
Tinawag ng dating Davao City vice mayor ang senador na dakdak at magkita aniya sila sa korte.
Ang pahayag ni Duterte ay kasunod ng sinabi ni Trillanes na nais niya itong maging hostile witness sa pagdinig ng Senado at pilitin itong ibunyag ang kanyang tattoo na dragon at buksan ang kaniyang bank accounts.
Bago nito ay kinasuhan ng libel ni Duterte si Trillanes dahil sa pagdawit sa kanya sa droga na nakapuslit sa Bureau of Customs (BOC) noong nakaraang taon, bagay na itinanggi ng nakababatang Duterte.
Ayon kay Duterte, malinaw na gusto lang ng senador na sirain ang kaniyang pangalan at reputasyon lalo na’t anak siya ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.