8 Chinese Nationals na ilegal na nagnenegosyo sa Divisoria, inaresto ng BI
Walong Chinese Nationals na huli sa aktong iligal na nagtitinda sa Divisoria, Maynila ang dinakip ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI).
Ang mga dayuhan ay naaresto sa dalawang magkahiwalay na operasyon sa isang sikat na shopping all na sakop ng distrito ng Binondo.
Binigyang-diin ni BI Commissioner Jaime Morente na ipinagbabawal sa ilalim ng Immigration Act na magtrabaho sa bansa ang sinumang dayuhan nang walang work permit o visa.
Kinilala naman ni BI Acting Intelligence Chief Fortunato Manahon Jr ang mga naarestong dayuhan na sina Cai Zhongyong, Wang Liyan, Cai Yahui, Cai Shaorong, Shi Qingliang, Cai Shunli, Cai Jianting, at Lin Jiaxian.
Ilan pa umano sa mga dayuhan ay nagtangka na suhulan ang mga operatiba ng BI nang sila ay arestuhin noong September 20 at September 21.
Nasa BI Legal Division na umano ang kaso ng walong dayuhan para sa pagsusulong ng deportation proceedings.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.