Petisyon ni Sen. Trillanes sa SC ipinababasura ng OSG

By Ricky Brozas September 24, 2018 - 12:11 PM

INQUIRER.net photo / Cathrine Gonzales

Naghain na ng komento sa Supreme Court ang Office of the Solicitor General (OSG) sa petisyon ni Senador Antonio Trillanes IV laban sa proclamation number 572.

Sa 200 pahinang komento, hiniling ng SolGen na ibasura ang petisyon ni Trillanes.

Katwiran ng SolGen, inamin na mismo ng kampo ng senador sa pagdinig ng Makati RTC Branch 148 noong September 13 na wala siyang aplikasyon at walang pag-amin ng pagkakasala kaugnay ng mutiny at kudeta na mga kasong isinampa laban sa kanya noong 2003 at 2007.

Ang tanging isinumite umano ni Trillanes sa hukuman ay ang kopya ng application form na wala namang laman.

Dahil dito ay lalo umano nitong pinagtibay ang batayan sa pagdi-deklara ni pangulong Duterte ng proclamation number 572 na nagpapawalang-bisa sa iginawad na amnestiya kay Trillanes buhat pa sa simula dahil wala namang pag-amin sa panig ng senador.

Ipinunto pa ng SolGen na simula nang noong September 3 nang manatili na sa senado si Trillanes ay wala sa listahan ng mga bisita ng senado ang isang Atty. Jorvino Angel hanggang September 5 na syang petsa na nakasaad na nanotaryohan ang petisyon ni Trillanes.

Si Atty Jorvino Angel ang nakapirma sa notaryo sa petisyon na inihain ni Trillanes sa korte suprema.

Kailangan daw kasi kapag nagpanotaryo at personal na panumpaan ng nagpapanotaryo sa harap ng abugado ang mga dokumento.

TAGS: Antonio Trillanes IV, Proclamation Number 572, Supreme Court, Antonio Trillanes IV, Proclamation Number 572, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.