Pia Wurtzbach kauna-unahang Filipino na itatampok sa wax museum sa Hong Kong

Si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang magiging kauna-unahang Filipino na magkakaroon ng wax figure sa Madame Tussauds sa Hong Kong.

Inanunsyo ni Pia ang balita sa kaniyang Instagram at sinabing sa susunod na taon ay makikita na ang kaniyang wax figure sa naturang wax museum.

Kinumpirma din ng pamunuan ng museum ang pagtatampok nila kay Pia.

Ayon sa post sa kanilang Instagram nakasaad na sa 2019 makakasama na ang wax figure ni Pia sa museum mula 2019.

Ang Madame Tussauds ay unang binuksan sa London at pagkatapos ay nagbukas ng branches sa iba’t ibang bahagi ng mundo kabilang ang Hong Kong noong 2000.

Read more...