Dating VP Jejomar Binay tatakbong kongresista sa unang distrito ng Makati sa 2019

By Dona Dominguez-Cargullo September 24, 2018 - 11:34 AM

Radyo Inquirer File Photo

Tatakbong kinatawan ng Makati City si dating Vice President Jejomar Binay sa 2019 elections.

Kinumpirma ito ng kaniyang tagapagsalita na si Joey Salgado, kasunod ng pahayag ni Makati City Mayor Abby Binay na muling tatakbo sa eleksyon ang kaniyang ama.

Ayon kay Salgado, tatakbo bilang kongresista ng 1st district ng Makati ang dating bise presidente.

Posible namang makalaban ng nakatatandang Binay si dating Makati City Vice Mayor Romulo “Kid” Peña na tinalo ni Mayor Abby noong 2016 elections sa lungsod.

Sa Facebook ni Peña makikitang ngayon pa lamang ay aktibo na ito sa paglilibot sa unang distrito ng Makati.

Samantala, sa flag ceremony sa Makati City Hall, Lunes ng umaga, sinabi ni Mayor Abby Binay na muli siyang tatakbong alkalde ng lungsod.

TAGS: 2019 elections, Jejomar Binay, Politics, 2019 elections, Jejomar Binay, Politics

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.