Storm warning signals itataas sa extreme Northern Luzon mula sa Huwebes dahil sa TY Paeng

Napanatili ng Typhoon Paeng ang lakas nito habang nasa karagatan ng bansa.

Huling namataan ang bagyo sa 975 kilometers East ng Tuguegarao City, Cagayan.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 170 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 210 kilometers bawat oras.

Kumikilos ito sa direksyong west northwest sa bilis na 20 kilometers bawat oras.

Sa ngayon walang direktang epekto ang bagyo saanmang bahagi ng bansa.

Pero ayon sa PAGASA sa Huwebes o Biyernes ay maaring magtaas na sila ng public storm warning signals sa extreme Northern Luzon.

Maari kasing pagsapit ng Biyernes, Sept. 28 ay makaapekto na ang bagyo sa Batanes at Babuyan Group of Islands.

Read more...