11 katao isinugod sa ospital dahil sa ammonia leak sa pasilidad ng kumpanyang DOLE sa Cotabato

By Dona Dominguez-Cargullo September 24, 2018 - 11:12 AM

Isinugod sa ospital ang labingisang katao gumaing ng hirap sa paghinga dahil sa hinihinalang kaso ng ammonia leak sa pasilidad ng DOLE Philippines Incorporated sa Polomolok, South Cotabato.

Naganap ang insidente, Lunes ng madaling araw, sa Cannery Site ng DOLE sa nasabing bayan.

Ayon sa Philippine Red Cross, ang 11 na dinala sa Howard Hispital ay pawang empleyado ng DOLE Phils.

Nakikipag-ugnayan na ang red cross sa kumpanya at sa lokal na pamahalaan para sa iba pang tulong na kanilang kailangan.

Maliban sa mga dinala sa ospital, inilikas na rin ang mga residente sa kalapit na barangay na Santa Cruz dahil sa masangsang na amoy.

Madaling araw ng Lunes (Sept. 24) nang masimulang makaamoy ng hindi maganda ang mga residente at dumaing din sila ng hapdi sa mata at pananakit ng lalamunan.

TAGS: ammonia leak, DOLE, DOLE Philippines, South Cotabato, ammonia leak, DOLE, DOLE Philippines, South Cotabato

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.