Mahigit 10 sasakyan na-isyuhan ng ticket sa clearing operations sa Mabuhay Lanes

Mabuhay Lanes Erwin Nov 2
Kuha ni Erwin Aguilon

Mahigit sampung sasakyan ang naisyuhan ng ticket sa isinagawang clearing operations ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ng Highway Patrol Group (HPG) ng Philippine National Police (PNP) sa Mabuhay Lanes.

Ang isinagawang clearing operations ay bahagi ng paghahanda sa pagsisikip ng daloy ng trapiko dahil sa holiday season.

Dinaanan ng MMDA at HPG ang lahat ng lansangan na sakop ng Mabuhay Lanes para matiyak na walang mga ilegal na nakaparada na magiging sagabal sa daloy ng traffic.

Paalala ng mga otoridad, bawal ang pumarada sa lahat ng kalsadang sakop ng Mabuhay lanes mula alas 6:00 ng umaga hanggang alas 9:00 ng umaga.

Ayon kay MMDA OIC Emerson Carlos, nabigyan nila ng sapat na impormasyon ang mga residente at mga may-ari ng establisyimento sa mga lugar na nadaanan ng Mabuhay Lanes kaugnay sa pagbabawal ng pagparada ng kanilang sasakyan sa nasabing oras.

Read more...