AUV nabangga ng tren ng PNR sa Maynila

DOTr Photo

Nabangga ng tren ng Philippine National Railways (PNR) ang isang sasakyan matapos na hindi gumana ang barrier ng tren.

Naganap ang insidente sa riles sa bahagi ng Sta. Mesa.

Ayon sa mga nakasaksi, dumeretso ng andar ang Mitsubishi Adventure at hindi napansin ang paparating na tren.

Ayon sa driver ng AUV na si Efren Del Rosario, hindi bumaba ang barrier ng tren kaya hindi siya huminto.

Bahagya namang nasugatan si Del Rosario.

Ayon kay PNR Spokesperson Jo Geronimo, iimbestigahan nila ang insitente.

Kung totoo kasi aniyang hindi bumaba ang barrier ay tiyak namang tuluy-tuloy sa pagbusina ang tren.

Read more...