Martial law hindi sagot sa kahirapan ayon sa isang human rights group
Naniniwala ang children’s rights advocates na Salinlahi Alliance for Children’s Concern na hindi sagot ang martial law sa nararanasang kahirapan at patuloy na pagtaasan ng halaga ng mga bilihin ngayon sa bansa.
Ayon kay Eule Rico Bonganay, secretary general ng Salinlahi, ilang dekada na ang nakalipas ngunit hindi naranasan ng sambayanan ang pag-angat ng kabuhayan at kapayapaan na ipinangako ng batas militar at sa halip ay umabot pa noon sa 42 porsiyento ang kahirapan habang lumala rin ang unemployment and underemployment.
Pinunto pa ni Bonganay na magkatulad rin ang sitwasyon ng martial law sa ilalim ng dating pangulong Ferdinand Marcos at administrasyong Duterte na ang layon ay ang masawata ang nagaganap na kaguluhan o terorismo sa Mindanao.
Gayunman, lalo lamang aniyang nagpalala sa kalagayan ng human rights lalo na sa mga indigenous people particular dito ang grupo ng mga katutubong lumad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.