Patay sa tumaob na barko sa Tanzania, umabot na sa mahigit 200

PHOTO: Stephen Msengi, PRO of Ukerewe District, Tanzania

Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi sa tumaob na ferry boat sa Tanzania.

Sa pinakahuling datos umabot na sa 224 ang bilang ng mga nasawi matapos tumaob ang MV Nyerere sa Lake Victoria.

Noong Huwebes isinagawa ang national funerals sa mga nasawi na pinangunahan ni Prime Minister Kassim Majaliwa.

Nagpapatuloy din ang paghahanap sa mga nawawala pang pasahero ng barko.

Ayon naman Transport Minister Isack Kamwelwe, overloaded ang barko na mayroonlamang capacity na 100.

Read more...