Pitong Pinoy kasama sa 12 crew members na dinukot ng mga pirata sa Nigeria

By Dona Dominguez-Cargullo September 24, 2018 - 06:23 AM

MV Glarus | File Photo

Kabilang ang pitong mga Pinoy sa dinukot ng mga pirata sa isang Swiss cargo ship sa Nigeria.

Ang labingdalawang crew na kinabibilangan ng pitong Filipino, at ang lima ay mula Slovenia, Ukraine, Romania, Croatia at Bosnia ay sakay ng MV Glarus nang salakayin ng mga pirata.

Ayon sa Nigerian Maritime Administration and Safety Agency, sinira ng mga pirata ang communication equipment ng barko at saka tinangay ang 12 mula sa 19 na crew.

Ayon sa operator ng barko, naipagbigay-alam na nila sa pamilya ng mga biktima ang nangyari.

Naganap ang pag-atake sa bahagi ng Bonny Island habang naglalayag ang barko sa pagitan ng Lagos at Port Harcourt sa Niger Delta.

TAGS: Bosnia, Croatia, Lagos Port, Nigeria, Port Harcourt, Romania, Slovenia, Ukraine, Bosnia, Croatia, Lagos Port, Nigeria, Port Harcourt, Romania, Slovenia, Ukraine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.