Kahit hindi holiday ang Nov. 2, marami pa ring bumibisita sa mga sementeryo

By Ruel Perez November 02, 2015 - 08:43 AM

 

 

May ilan pa ring bumibisita sa Manila North Cemetery ngayong All Soul’s Day, November 2.

Sa datos ng Manila Police District, maaga pa lamang kanina ay umabot na sa mahigit isang daan katao ang pumasok sa loob ng sementeryo.

Marami pa ring nagtitinda ng bulaklak at mga kandila sa palibot ng sementeryo.

Gaya ng inaasahan, maraming basura ang naiwan sa loob ng sementeryo, per maagang nagtalaga ng tauhan ang Department Public Safety ng lungsod ng Maynila para magwalis ng mga basurang naiwan.

Samantala, bumaba na simula kagabi ang presyo ng mga bulaklak sa Dangwa sa Maynila.

Ayon kay Ann, isang florist, sa ngayon mabibili na lamang ng P100 ang dalawang dosena ng rose na dati ay ibinebenta sa sa halagang P280.

Ang Malaysian mums tulad ng buttons ay P150 na lamang kada bundle mula sa dating P200.

Ang chrysanthemum naman na dati ay P200 ngayon P100 na lamang ang isang bundle habang ang aster na dati P120 per kilo ngayon P80 na lang.

Ayon kay Ann, inuubos na lamang nila ang supply at mga natitirang mga stocks ng bulaklak sa ngayon kaya bagsak presyo na sila dito sa Dangwa.

TAGS: ManilaNorthCemetery, ManilaNorthCemetery

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.