Sa 4am weather advisory ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 1,100 killometro Silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.
Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 170 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 210 kilometro kada oras.
Kumikilos pa rin ito sa bilis na 20 kilometro kada oras sa direksyong Kanluran-Hilagang-Kanluran.
Posibleng makaapekto ang kaulapan ng bagyo sa Extreme Northern Luzon ngunit batay sa pagtaya ng weather bureau ay tatama ito sa Taiwan.
Lalabas na ng bansa ang Bagyong Paeng sa araw ng Sabado.
Ngayong araw, maalinsangang panahon ang mararanasan sa buong bansa na may posibilidad lamang ng mga pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.