Ginebra tinalo ang San Miguel sa PBA Governor’s Cup

Wagi ang Barangay Ginebra Gin Kings sa kanilang naging tapatan kagabi ng San Miguel Beermen para sa 2018 PBA Governor’s Cup na ginanap sa Smart Araneta Coliseum.

Natapos ang laro sa iskor sa 110-102, pabor sa Gin Kings.

Hindi inalintana ng koponan ang anim na kulang sa kanilang mga miyembro, kabilang na sina Greg Slaughter at Japeth Aguilar na kapwa mayroong iniindang injury.

Ayon kay Ginebra coach Tim Cone, kahit na wala ang ilan sa kanilang mga star players ay maswerte pa rin sila dahil kulang din ang koponan ng Beermen dahil wala sina June Mar Fajardo at Marcio Lassiter.

Si Justin Brownlee ang nanguna sa Gin Kings matapos nitong maitala ang game high score na 29 points, 19 rebounds, at 7 assists.

Hindi rin naman nagpahuli si Aljon Mariano na nakapagtala ng kanyang career high score na 20 points.

Maituturing na ang kanyang performance sa naturang tapatan ang kanyang best game.

Ayon kay Cone, talagang nag-step up si Mariano dahil sa pagkawala ng ilan sa kanyang mga teammates.

Samantala, para naman sa Beermen, sina Christian Standhardinger at Arwind Santos ang nagdala sa koponan sa pamamagitan ng kanilang pinagsamang iskor na 47 points.

Sunod na makakaharap ng Ginebra ang Phoenix Fuel Masters sa Sabado.

Read more...