Drug surrenderee arestado sa buy bust operation sa Quezon City

By Justinne Punsalang September 24, 2018 - 02:14 AM

Balik-kulungang ang isang drug surrenderee matapos muling mahulihan ng shabu sa Barangay San Roque, sa Cubao, Quezon City.

Nakilala ang suspek na si Kristina Catherine Menzon, 29 na taong gulang.

Nabatid na dati na itong sumuko sa Oplan Tokhang ng mga otoridad ngunit muling bumalik sa pagtutulak ng ipinagbabawal na gamot kaya naman napabilang ito muli sa drug watchlist ng pulisya.

Narekober mula sa suspek ang 10 piraso ng plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang cellphone na kanyang gamit sa mga transaksyon, buy bust money, at dagdag pa pera na posibleng mula sa kanyang naunang mga transaksyon.

Dahil dito ay mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.