TienDA sa Maynila, regular nang isasagawa
Inihayag ni Agriculture Secretary Manny Piñol kahapon, araw ng Linggo, na magiging regular na ang TienDA Malasakit store sa San Andres, Maynila.
Matatandaang dinagsa ng publiko ang pagbagsak ng gobyerno ng murang gulay mula sa Mindanao sa compound ng Bureau of Plant Industry (BPI) nitong Biyernes.
Regular nang isasagawa tuwing Biyernes at Sabado ang TienDA Malasakit store para maihatid ang murang gulay sa Metro Manila at mabigyan ng kita ang mga magsasaka sa Bukidnon.
Samantala, sa isang Facebook post, sinabi ni Piñol na magbubukas din ang Department of Agriculture (DA) ng Malasakit Stores sa lubhang matataong lugar sa Metro Manila tulad ng Payatas, Baseco at maging sa subdivisions.
Ito anya ay magaganap sa unang linggo ng Oktubre.
Ayon sa kalihim, sagot ng DA ang shipping ng mga produkto habang ang distribusyon ng mga ito ay pangungunahan ng mga women;s groups ng mga lokal na pamahalaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.