Nagpahayag ng pakikiramay ang Palasyo ng Malacañang sa Vietnam matapos ang pagkamatay ni President Tran Dai Quang.
Sa isang pahayag, ipinaabot ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang pakikiramay ng Pilipinas sa gobyerno at mga mamamayan ng Vietnam sa pagkamatay ng kanilang pangulo.
Tiniyak ni Roque ang pakikiisa sa panalangin ng pamilya ni Quang at ng mga Vietnamese.
Sinabi ng kalihim na inalala ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mainit na pagtanggap sa kanya ng lider sa kauna-unahan niyang official visit noong 2016 at sa kasagsagan ng hosting ng Vietnam sa Asia Pacific Economic Cooperation summit noong nakaraang taon.
Batay sa ulat ng local media, nasawi si Quang sa isang military hospital dahil sa isang seryosong sakit.
Pumanaw ang lider sa edad na 61.
Hahalili sa kanyang pwesto si Vice President Dang Thi Ngoc Thinh habang hindi pa nakakapaghalal ng bagong presidente ang National Assembly.