Nagpahayag ng pakikiramay ang Pilipinas sa naganap na pag-atake sa military parade sa Ahvaz, Iran na ikinasawi ng 29 katao, at ikinasugat ng nasa 70 iba pa.
Sa isang pahayag, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na umaasa ito na mapapanagot ang mga nasa likod ng pag-atake.
Ayon naman kay Philippine ambassador to Iran Wilfredo Santos, walang Pilipinong nasaktan o nasawi dahil sa naturang pag-atake.
Aniya, nakausap ng embahada ng Pilipinas ang walong Pilipinong miyembro ng Filipino-Iranian families na naka-base sa Ahvaz at nabatid na ligtas ang mga ito. Ayon pa sa mga Pinoy, nasa loob lamang sila ng kanilang bahay nang maganap ang insidente.
MOST READ
LATEST STORIES