CSC may alok na 7,000 trabaho

By Rhommel Balasbas September 24, 2018 - 02:26 AM

May halos 7,000 trabaho ang alok ng Civil Service Commission (CSC) para sa mga nais na manungkulan sa gobyerno.

Bilang bahagi ng kanilang 118th anniversary celebration ay isang Job Fair ang inihanda ng CSC sa SM City North EDSA Skydome ngayong September 26 hanggang 27.

Pangungunahan ito ng CSC Central Office at CSC National Capital Region.

Kabilang sa mga alok na trabaho ay para sa engineers, accountants, abogado, administrative officers at iba pa.

Para sa kumpletong listahan ng mga alok na trabaho kailangan lamang bumisita sa website ng CSC.

Samantala, magkakaroon din ng Job Fairs ang regional offices ng CSC na mayroong sariling mga petsa at venue.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.