Lalaki patay sa pamamaril sa Maynila

By Justinne Punsalang September 24, 2018 - 04:02 AM

Dead on the spot ang isang lalaki matapos itong pagbabarilin sa Port Area, Maynila.

Ayon sa Manila Police District (MPD), hindi pa batid ang pagkakakilanlan ng biktima.

Batay sa kanilang inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, naglalakad lamang ang biktima sa lugar nang may dumaang isang motorsiklo na lulan ang dalawang lalaki.

Walang pag-aatubiling pinagbabaril ng hindi nakilalang riding in tandem ang biktima na agad nitong ikinasawi.

Matapos ang krimen ay agad na tumakas ang mga suspek.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa motibo ng pamamaslang, maging ang pagkakakilanlan ng biktima at mga suspek.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.