4-day work week pinag-aaralan para sa BPO industry
Posibleng payagan ang implementasyon ng 4-day work week sa business process outsourcing (BPO) sector ayon sa mga stakeholders.
Sinabi ni Teleperformance Philippines senior vice president for human capital Jeffrey Johnson na kasalukuyan nang ipinatutupad sa kanilang kumpanya ang flexible work arrangement kaya naman hindi na mahirap para sa kanila ang bawasan ang araw ng trabaho.
Ayon kay Johnson, mayroon silang mga empleyado na payag na magtrabaho sa loob ng 12 oras, apat na beses sa isang linggo dahil sa hindi magandang lagay ng traffic sa Metro Manila.
Dagdag pa nito, maaari namang mag-adjust ang BPO industry sa panukalang compressed work week bill na nakapasa na sa Kamara.
Kakailanganin lamang pag-aralan nang maigi ang panukala kasabay sa mga pangangailangan ng kanilang mga kliyente.
Ayon naman sa ilang mga nagtatrabaho sa BPO, tila overtime work lamang ang panukalang 12-hour scheme at makatutulong ito sa mga empleyado na gustong magkaroon ng dagdag na oras upang makahanap ng ibang mapagkakakitaan.
Mainam rin anila ito dahil magkakaroon ang mga empleyado ng mas maraming oras para sa kanilang sarili o pamilya kaysa sa ilaan ang oras sa traffic sa Metro Manila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.