Bangkay ng isang batang babae natagpuan sa Davao City

By Justinne Punsalang September 23, 2018 - 07:32 PM

Bangkay na nang makita ang isang batang babae matapos itong isang linggong mawala sa Barangay Matina Pangi, Davao City.

Ayon kay Kenneth Jopson, hepe ng Barangay Disaster Risk Reduction Management ng Matina Crossing 74-A, nakatanggap sila ng ulat tungkol sa isang bangkay ng babae na natagpuan sa isang masukal na gubat sa lugar.

Ani Jopson, dalawa ang nawawalang mga bata sa lugar kaya naman kapwa ipinatawag ang mga magulang upang matiyak ang pagkakakilanlan ng natagpuang bangkay.

Mismong ang ina ng biktima na si Sally Laquinario ang kumumpirma sa bangkay na aniya’y nakilala niyadahil sa suot nitong tsinelas.

Sa ngayon ay magsasagawa ng mga eksaminasyon ang SOCO upang mabatid ang sanhi ng pagkamatay ng batang babae, at upang malaman kung ginahasa ba ito.

Nagkasa na rin ng imbestigasyon ang pulisya upang malaman ang mga pangyayari na humantong sa pagkamatay ng bata.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.