Malalaking bato nagpapahirap sa rescue operation sa Naga City, Cebu

Nahihirapan ang mga rescuers sa paghuhukay sa mga natabunan ng landslide sa Naga City, Cebu dahil sa malalaking tipak ng bato na kasama sa guho.

Kaya naman maingat na ginagamit ng mga rescuers ang backhoe sa pagkuha sa malalaking bato upang hindi na muli pang gumuho ang lupa sa lugar.

Gumagamit na rin ng mga K-9 dogs ang Philippine Coast Guard (PCG) upang mahanap ang mga residenteng nasa ilalim ng guho.

Nabatid na kabilang sa mga nalibing nang buhay ang dalawang contractor ng Apo Land and Quarry Corporation na nasa quarry site nang maganap ang landslide.

Sa ngayon ay mayroon pang apat na iba na patuloy na hinahanap.

Read more...