Sereno hindi tatakbo sa 2019 elections

By Justinne Punsalang September 23, 2018 - 08:17 PM

Hindi tatakbo sa anumang posisyon para sa 2019 national elections si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ito ang kinumpirma mismo ng abogado ni Sereno na si Atty. Jojo Lacanilao sa pamamagitan ng text message.

Ayon dito, para kay Sereno ay mas magiging kapaki-pakinabang siya sa labas ng Senado.

Ito ay matapos sabihin ng ilang miyembro ng Liberal Party (LP) na nais nilang makasama sa kanilang senatorial lineup si Sereno para sa midterm elections.

Ayon kay Lacanilao, nais ni Sereno na pagtuunan ng pansin ang pagprotekta sa konstitusyon, pagbibigay depensa sa mga walang kapangyarihan, at pagpapalaganap ng kaalaman ng publiko tungkol sa kanilang mga karapatan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.