Special barangay at SK election sa Marawi City naging mabilis

By Justinne Punsalang September 23, 2018 - 10:51 PM

PIA

Naging mabilis ang isinagawang special barangay at Sangguniang Kabataan elections sa lungsod ng Marawi.

Ayon kay Marawi City Police chief for operations, Police Inspector Jane Solitario, ito ay kung ikukumpara sa mga nakaraang halalan.

Paliwanag ni Solitario, mabusisi ang kanilang pagpa-plano sa seguridad para sa katatapos lamang na special elections.

Aniya, dalawang araw bago ang mismong eleksyon ay nagpakalat na sila ng mga pulis at militar sa mga polling presincts.

Ang mga botante naman ay inisa-isa at tingnan ang mga dalang gamit upang matiyak na walang makakapasok na baril o anumang kontrabando.

Samantala, nagsilbing Board of Election Inspectors (BEI) ang mga pulis sa Barangay Pandi dahil hindi dumating ang mga dapat sana’y BEI. Habang sa Barangay Sagonsongan naman naupo ring BEI ang mga pulis dahil sa naganap sa suntukan sa isang polling precint.

Mayroon ding nahuling dalawang bumili ng boto na kakasuhan ng mga otoridad.

Kaya naman ayon sa Commission on Elections (COMELEC) at pulisya, maikukunsiderang mapayapa ang naganap na election.

Ngunit ayon sa COMELEC, mababa ang voter turnout dahil maraming mga bakwit ang hindi bumalik sa kanilang mga lugar upang bumoto.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.