Lalaki narinig sa telepono ang pananaksak sa kanyang kasintahan sa Rizal

By Justinne Punsalang September 23, 2018 - 09:48 PM

Nasawi ang isang babae matapos itong pagsasaksakin ng hindi pa nakikilalang salarin sa loob mismo ng kanyang bahay sa Cainta, Rizal.

Kinilala ang nasawing biktima na si Maria Kathrina Nakpil, 25 taong gulang na isang medical representative.

Ayon sa mga otoridad, magkausap sa telepono si Nakpil at kanyang kasintahan nang marinig nito na tila mayroong umaatake sa biktima.

Dahil sa pag-aalala, pumunta ang kasintahan ng biktima sa bahay nito at doon niya nakita ang duguang katawan ni Nakpil.

Samantala, iginiit naman ng mga kaanak ni Nakpil na walang kaaway ang biktima.

Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, hindi sapilitang pinasok ang bahay ng biktima.

Sa ngayon ay mayroon na rin silang tatlong tinitingnang persons of interest sa krimen.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.