Umaasa ang Philippine National Police (PNP) na matatapos na ang problemang rebelyon sa bansa.
Ito ang ipinahayag ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na kumpyansa siyang mauubos na ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) pagdating ng 2019.
Ayon kay Albayalde, hiling niya na matapos na ang problema ng bansa sa insurgency dahil wala naman itong magandang dulot sa Pilipinas.
Aniya pa, dahil sa insurgency na mahigit 60 taon nang umiiral ay bumabagal ang progreso ng isang bansa. Kaya naman panahon na upang magkaisa ang lahat.
Dagdag ni Albayalde, kapag natapos na ang rebelyon ng NPA ay magkakaroon na rin ng pangmatagalang kapayapaan ang buong Pilipinas.
MOST READ
LATEST STORIES