Gatchalian, tutol na bawasan ang pondo ng CHED scholarship program sa 2019

By Angellic Jordan September 23, 2018 - 04:45 PM

Inquirer file photo

Umaasa si Senador Sherwin Gatchalian na hindi matuloy ang nais na pagbabawas sa pondo ng Tulong Dunong program ng Commssion on Higher Education (CHED).

Sa isang pahayag, sinabi ni Gatchalian na ipaglalaban nito ang pondo para sa programa para mabigay ang kakailanganing pondo para sa taong 2019.

Dapat muna aniyang makita kung ilan ang nag-avail ng programa.

Giit pa ng senador, kawawa ang mga estudyante kapag dumating ang oras na kakapusin na sa pondo ang ahensya.

Noong nakaraang linggo, sinabi ni CHED Commissioner Prospero de Vera III na mahigit 350,000 na estudyante ang posibleng mawalan ng scholarship sa susunod na taon.

Mula kasi sa P4.19 bilyon, magiging P1.19 bilyon na lang ang ilalaang pondo sa ahensya sa susunod na taon.

Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), rationalized ang pondo ng CHED para bigyang-daan ang implementasyon ng Free Tuition Law partikular sa Tertiary Education Subsidy (TES).

Paliwanag naman ni Gatchalian, dapat maging malinaw ang distinction o pagkakaiba sa Tulong Dunong program at TES.

Aniya pa, suportado nito ang panukala ni De Vera na ihiwalay ang Tulong Dunong at iba pang scholarship program sa babawasang pondo sa susunod na taon.

TAGS: Budget, CHED, Sherwin Gatchalian, Tulong Dunong program, Budget, CHED, Sherwin Gatchalian, Tulong Dunong program

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.