Nag-AWOL na pulis arestado sa buy bust sa North Cotabato

By Justinne Punsalang September 23, 2018 - 04:24 PM

Inquirer file photo

Sa kulungan ang bagsak ng isang pulis matapos itong maaresto sa ikinasang drug buy bust operation ng mga kapwa pulis sa Barangay Poblacion sa Pikit, North Cotabato.

Nakilala ang suspek na si PO1 Ruel Pilipinas alyas Weng-weng, 47 taong gulang at nag-AWOL o absence without leave sa serbisyo.

Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agenct (PDEA) Region 12 director, Naravy Duquiatan, kabilang si Pilipinas sa drug watchlist ng ahensya na nag-ooperate sa North Cotabato.

Ayon pa kay Duquiatan, high-value target na miyembro ng isang sindikato ng shabu at notorious sa tulak ng iligal na droga si Pilipinas.

Kabilang din ang pulis sa listahan ng tinaguriang ‘ninja-cops’ ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Narekober mula sa suspek na pulis ang siyam na sachet ng shabu, mga bala ng kalibre 50 machine gun, at mga drug paraphernalia.

Ayon pa sa mga otoridad, ginagamit ni Pilipinas ang kanyang sariling bahay bilang drug den.

Mahaharap si Pilipinas sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Republic Act 10591 o Illegal Possession of Explosives and Ammunition.

TAGS: AWOL police, North Cotabato, PO1 Ruel Pilipinas, AWOL police, North Cotabato, PO1 Ruel Pilipinas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.