Sara Duterte, mananatiling Davao mayor kung muling iboboto ng mga Dabawenyo

By Angellic Jordan September 23, 2018 - 04:22 PM

Inihayag ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na mananatili siyang alkalde kung muling iboboto ng mga Dabawenyo.

Ito ay matapos makapasok ang Presidential daughter sa top 12 ng 2018 Pulse Asia pre-election survey para sa senatorial race.

Si Sara ay nasa ikalimang pwesto ng listahan ng mga personalidad na posibleng manalo sa May 2019 elections.

Ayon kay Sara, ikinalulugod nito ang tiwala sa kaniyang kakayahan.

Interesado siguro aniya ang mga Pilipino sa kaniyang trabaho sa lungsod mula pa noong 2010.

Ngunit kung iboboto aniya siyang muli ng mga Dabawenyo, ipagpapatuloy niya ang pagiging alkalde sa lungsod.

Noong nakaraang buwan, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi naghahangad ng national post si Sara.

TAGS: Sara Duterte-Carpio, senatorial race, Sara Duterte-Carpio, senatorial race

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.