15 anyos na binata patay matapos masagasaan ng taxi sa Cebu

By Justinne Punsalang September 23, 2018 - 03:49 PM

Nasawi ang isang binatilyo matapos itong mabiktima ng hit-and-run sa Barangay Bagay sa bayan ng Daanbatayan, Cebu, Linggo ng umaga.

Hindi na isiniwalat pa ni Daanbantayan Municipal Police chief, Police Senior Inspector Adrian Nalua ang pagkakakilanlan ng biktima.

Nakilala naman ang driver ng taxi na nakasagasa sa biktima na si Abundio Garbo na hinihinalang nakainom nang maganap ang aksidente.

Matapos nitong masagasaan ang binatilyo ay agad na tumakas si Garbo at iniwan ang kanyang minamanehong taxi.

Ani Nalua, sa ngayon ay tinutugis na ng mga otoridad ang driver upang masampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide.

TAGS: cebu, Daanbantayan Municipal Police, nasagasaan, cebu, Daanbantayan Municipal Police, nasagasaan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.