Pilipino itinanghal na bagong ONE Strawweight world champion

By Justinne Punsalang September 23, 2018 - 03:37 PM

Isa na namang Pilipino ang naging world champion ng ONE at ito ay sa katauhan ni Joshua Pacio.

Nakuha ni Pacio ang ONE Strawweight championship belt matapos talunin at patalsikin si Yoshita Naito sa main event ng ONE: Conquest of Heroes sa pamamagitan ng unanimous decision.

Dahil sa pagkapanalo ni Pacio kagabi sa Jakarta Convention Center sa Indonesia ay muli niyang itinayo ang Team Lakay kung saan kabilang ang bantamweight champion na si Kevin Belingon at flyweight champion na si Geje Eustaquio.

Ayon kay Pacio na tubong Baguio City, inaalay niya ang kanyang pagkapanalo sa mga biktima ng landslide sa Benguet dahil sa pananalasa ng bagyong Ompong.

Aminado ang kampeon na nahirapan siyang talunin si Naito sa kanilang naging tapatan.

Dahil sa kanyang pagkapanalo ay mayroon nang 13-2 win-loss record si Pacio.

TAGS: Joshua Pacio, ONE Strawweight world champion, Joshua Pacio, ONE Strawweight world champion

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.