Pagsailalim ni Duterte sa Colonoscopy at Endoscopy, ‘routine’ check up – Palasyo

Matapos aminin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsailalim sa Colonoscopy at Endoscopy, ipinaliwanag ng Palasyo ng Malakanyang na “routine” check up ito ng pangulo.

Sa ipinadalang text message sa Inquirer.net, sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na maayos ang kalagayan ng Punong Ehekutibo.

Ang Endoscopy ay non-surgical procedure para suriin ang digestive tract ng pasyente habang ang Colonoscopy ay eksaminasyon para ma-detect ang pagbabago o abnormalidad sa large intestine at rectum.

Matatandaang inamin ni Duterte ang pagsailalim sa nabanggit na procedures sa isang clinical forum sa Lapu-Lapu City, Cebu noong Biyernes, September 21, 2018.

Aniya, isinagawa ito ng kaniyang gastroenterologist na si Dr. Joey Sollano.

Read more...