Bilang ng mga pamilyang apektado ng TY Ompong, umabot na sa 500,000
Nadagdagan pa ang bilang ng mga residenteng naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Ompong.
Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) executive director at Office of Civil Defense (OCD) administrator Ricardo Jalad, base sa kanilang sa kanilang 6:00 am update, umabot na sa kabuuang 508,076 na pamilya o katumbas ng 2,140,442 na kato ang apektado ng nagdaang bagyo.
Ito ay mula sa 4,817 barangay sa Regions 1, 2, 3, Calabarzon, Mimaropa, National Capital Region (NCR) at Cordillera Administrative Region (CAR).
Mayroon namang 13,587 na pamilya o 56,917 na indibidwal ang nanatili sa mga inihandang evacuation center.
Pagdating naman sa sektor ng agrikultura at imprastraktura, tinatayang P17,917,847,631.02 ang halaga ng pinsala sa limang rehiyon sa bansa.
Samantala, umabot naman sa P100,838,649.83 ang kabuuang halaga ng ipinaabot na tulong sa mga biktima ng OCD, Department of Health (DOH) at iba pang ahensya ng gobyerno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.