Nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Rodrigo Duterte sa gobyerno at mga residente ng Vietnam kasunod ng pagkasawi ng kanilang pinuno na si President Tran Dai Quang.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ikinalungkot ng pangulo ang pagpanaw ni Quang.
Naaalala pa aniya ni Presidente Duterte ang init at mabuting pakikitungo sa kanya ni Quang sa unang official visit ng punong ehekutibo sa Vietnam noong 2016, at nang i-host ng Vietnam ang APEC Summit noong 2017.
Sa pagpanaw ni Quang, sinabi ni Roque na ipinagdarasal ni Pangulong Duterte at ng buong Malakanyang ang mga naiwang mahal sa buhay at mga Vietnamese people.
Si Vietnamese President Quang ay sumakabilang-buhay sa edad na 61 noong Biyernes, dahil sa malubhang sakit.
MOST READ
LATEST STORIES