Panibagong libel case ni Polong Duterte, “welcome” kay Trillanes

By Angellic Jordan September 23, 2018 - 02:21 PM

 

Welcome kay Senador Antonio Trillanes IV ang isinampang karagdagang dalawang libel case ni Presidential son Paolo “Polong” Duterte laban sa kanya, kaugnay sa isyu ng P6.4 billion na shabu smuggling.

Sa ipinadalang mensahe ni Trillanes, sinabi nito na oportunidad ang libel case para ipatawag bilang hostile witness si “Polong” at mapakita ang umano’y tattoo nito sa kanyang likod bilang pruweba na siya’y lehitimong miyembro ng Chinese triad drug syndicate.

Pagkakataon din aniya ito para ipa-subpoena niya ang mga bank account ng dating vice mayor ng Davao City.

Noong Miyerkules, inihain ng nakababatang Duterte ang dalawang libel case sa Davao City Prosecutor’s Office.

Ito’y kasunod ng naging pahayag ni Trillanes sa ilang interview na sangkot daw si Paolo sa mga nasabat na droga sa isang warehouse sa Valenzuela.

Matatandaang naghain din ng hiwalay na libel case si Paolo at ang asawa ni Davao City Mayor Sara Duterte na si Mans Carpio laban sa senador dahil sa sinabing pangingikil umano sa Uber at iba pa.

 

TAGS: paolo duterte, Senator Antonio Trillanes IV, paolo duterte, Senator Antonio Trillanes IV

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.