#WalangPasok: Ilang paaralan sa Naga City, Cebu nagdeklara ng suspensyon ng klase
Suspendido pa rin ang mga klase sa ilang paaraalan sa Naga City, Cebu bukas, araw ng Lunes (September 24).
Ito ay bunsod pa rin ng naganap na landslide sa bahagi ng Sitio Sindulan sa Barangay Tinaan noong Huwebes.
Sa abiso ng pamahalaang lokal ng Naga, suspendido pa rin ang pasok sa mga sumusunod na paaralan:
– Naga National High School
– Naga Central Elementary School
– Naalad Elementary School
– Naalad National High School
– CEPOC Central Elementary School
– Tinaan National High School
– Colon Elementary School
– Tuyan Elementary School
– Tuyan National High School
– Mainit Elementary School
– Mainit National High School
Sa ngayon, 46 na ang kumpirmadong bilang ng mga namatay habang siyam naman ang sugatan sa landslide.
Ito na ang ikaapat na araw ng search and rescue operations sa lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.