Death toll sa Naga City, Cebu landslide, patuloy na tumataas

By Isa Avendaño-Umali September 23, 2018 - 01:41 PM

Photo courtesy of Krizhia Cabigas

Nadagdagan pa ang mga narekober na bangkay mula landslide sa Naga City, Cebu.

Sa ika-apat na araw ng search and retrieval operations ngayong Linggo (September 23), umakyat na sa apatnapu’t anim (46) ang death toll.

Hindi bababa sa tatlumpung katao ang patuloy na hinahanap ng mga rescuer.

Nasa siyam na indibidwal naman ang sugatan, base sa ulat ng Naga City Police.

Ang malawakang landslide sa Naga City, Cebu ay naganap ilang araw makalipas ang landslide sa Itogon, Benguet na bunsod ng Bagyong Ompong.

Patuloy ding tumataas ang bilang ng mga nasawi doon, habang nagsasagawa ng search and retrieval operations.

 

TAGS: Cebu landslide, naga city, Cebu landslide, naga city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.