Estrella-Pantaleon Bridge, isinara na para sa rehab at repair

 

Sarado na sa mga motorista ang Estrella-Pantaleon Bridge, na nagkokonekta sa mga siyudad ng Makati at Mandaluyong.

Simula alas-otso ng umaga ng Linggo (September 23), isinara na ang nasabing tulay para sa rehabilitasyon at repair.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority o MMDA Spokesperson Celine Pialago, ang pagsasaayos sa Estrella-Pantaleon Bridge ay tatagal ng tatlumpung buwan o dalawa’t kalahating taon.

Payo ni Pialago sa mga motorsista, dumaan na lamang sa alternatibong ruta o sa mga available detour.

Nauna nang sinabi ni MMDA General Manager Jojo Garcia na sisimulan ng Department of Public Works and Highways ang pag-repair sa tulay, bilang bahagi ng grant mula sa China.

Tinatayang libu-libong motorista ang maaapektuhan ng pansamantalang pagsasara ng Estrella-Pantaleon Bridge.

 

Read more...