78% ng mga Pinoy, nasisiyahan sa war on drugs ni Duterte – SWS

By Angellic Jordan September 23, 2018 - 11:40 AM

Walo sa sampung Pilipino ang nasisiyahan sa kampanya kontra sa ilegal na droga ng Duterte administration, batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).

Sa resulta ng Second Quarter survey, lumabas na 78 percent sa mga Pilipino ay ‘satisfied’ sa illegal drugs campaign, 13 percent ang ‘dissatisfied’ at 9 percent naman ang ‘undecided.’

Ang net satisfaction sa Mindanao ang naitalang pinakamataas na may +84 rating.

Samantala, bumaba naman ng 12 points ang net satisfaction sa Visayas na may +57 rating.

Sa Metro Manila, nanatiling ‘very good’ ang net satisfaction na may +67 rating. Mas mataas ito ng dalawang punto mula sa nakaraang period.

Kumpara sa huling survey nito, tumaas ito ng 1 percent mula sa +77 percent noong December 2017.

Isinagawa ang survey sa 1,200 respondents sa pamamagitan ng face-to-face interviews mula June 23 hanggang 27, 2018.

Naging kontrobersyal ang war on drugs ni Pangulong Rodrigo Dutert dahil sa dami ng mga nasasawing drug suspects at mga natotokhang.

 

TAGS: SWS, War on drugs, SWS, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.