1 patay, 5 sugatan matapos sumalpok sa poste ang isang tricycle sa Payatas, QC

By Isa Avendaño-Umali September 23, 2018 - 09:49 AM

 

Patay ang isang driver matapos sumalpok sa poste ng kuryente ang kanyang minamanehong tricycle nito sa Barangay Payatas, Quezon City.

Kinilala ang nasawing biktima na si Alberto Campano, 50-anyos.

Batay kay PO3 Alfredo Moises ng Quezon City Traffic Sector 5, maaaring mabilis ang pagpapatakbo ni Campano sa kanyang tricycle hanggang sa sumalpok sa poste.

At sa lakas ng pagkasalpok ay nahulog ang drayber sa tricycle at tumama sa bato ang ulo nito.

Ayon sa mga residente, madalas na may naaaksidente sa lugar dahil sa pakurba ito.

Sugatan naman dahil sa aksidente ang hindi naman bababa sa limang katao na nasa edad 15 hanggang 19-anyos, na pawang patungo sanang Montalban, Rizal para mag-swimming.

Dinala na sa East Avenue Medical Center ang mga sugatan.

 

TAGS: Quezon City Traffic Sector 5, Quezon City Traffic Sector 5

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.