Libu-libong residente sa Marawi City ang bumoto para sa special Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) kahapon.
Ang halalan sa lungsod ay nabalam dahil sa panggugulo ng ISIS-inspired Maute Terror Group.
Sa eleksyon kahapon napaulat ang mga insidente ng pamimigay pa rin ng flyers at campaign materials.
Mayroon ding inaresto dahil sa vote buying kung saan may inilagay na P20 sa flyers na ipinamigay.
Nakilala ang naarestong indibidwal na si Richam Suba ngunit iginiit na ginawa lamang niya ito upang may pambili ng tubig ang mga botante.
Isang teacher naman ang hindi nakapagduty sa Barangay Pandi kung saan isang trainer member ng pulisya ang humalili at nagbukas ng polling precinct ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez.
Naganap ang halalan sa lungsod habang nakasailalim ang buong Mindanao sa batas militar.
Libu-libong pulis at militar ang ipinakalat sa polling centers.
Bagaman mayroong mga ulat ng election violations ay sinabi ni Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) Comelec director Ray Sumalipao na ito ang pinakamapayapang halalan na naganap sa lungsod sa nakalipas na mga taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.