Batang lalaki patay at 2 iba pa sugatan matapos makidlatan sa Zamboanga City

By Rhommel Balasbas September 23, 2018 - 05:17 AM

Patay ang isang 14-anyos na batang lalaki at dalawa ang nasa kritikal na kondisyon matapos makidlatan Sabado ng tanghali sa Sitio Baluno, Brgy. Salaan, Zamboanga City.

Ayon kay Zamboanga City Police Station spokesperson Sr. Insp. Shellame Tubo-Chang, naglalaro lamang ang tatlong bata nang matamaan ang mga ito ng kidlat.

Kinilala ang nasawi na si Rovin Francisco Gaspar.

Habang ang kanyang mga kalarong sugatan ay sina Jomari Solis dela Cruz, 14 anyos at Penic dela Cruz Quijano 7 anyos.

Ayon kay Tubo-Chang, isang oras pa matapos ang insidente bago nadala ang mga biktima sa ospital dahil sa kawalan ng transportasyon.

Idineklara agad na dead on arrival si Francisco habang patuloy na ginagamot ang dalawa pang bata sa magkahiwalay na ospital.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.