Oil price hike ipatutupad na naman sa Martes

By Rhommel Balasbas September 23, 2018 - 02:57 AM

Mayroon na namang nakaambang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa darating na linggo.

Sa abiso ng industry sources, inaasahang mayroong P0.20 hanggang P0.40 dagdag presyo sa kada litro ng gasolina.

Ito ay bunsod ng pagtaas umano ng presyo ng ethanol na posibleng makadagdag pa sa presyo ng imported gasoline.

Parehong naglalaro naman sa P0.10 hanggang P0.20 kada litro ang dagdag sa presyo ng kada litro ng diesel at gaas.

Ito na ang ikapitong-linggong sunud-sunod na pagpapatupad ng oil price hike.

Mula Enero hanggang ngayong buwan ng Setyembre ay halos P12 na ang itinaas sa presyo ng diesel at gasolina.

Ang oil price adjustments ay kadalasang ipinatutupad tuwing araw ng Martes.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.