Sonny Angara, iniluklok bilang bagong pangulo ng LDP

Si Senador Sonny Angara na ang bagong presidente ng Laban ng Demokratikong Pilipino (LDP).

Ang naturang partido ay itinatag ng kanyang ama na si dating Senate Presidente Edgardo Angara noong 1988.

Pumanaw na ang matandang Angara Mayo nitong taon.

Sa isang pahayag, sinabi ni Angara na ang pagkakatalaga sa kanya bilang bagong presidente ng partido ay makatutulong upang maipagpatuloy ang pangarap ng kanyang ama para sa bansa.

Anya pa, magsisilbing inspirasyon ang kanyang ama sa kanya para ipagpatuloy ang pagsusulong ng mahahalagang mga reporma.

Kabilang sa mga itinataguyod na reporma ng senador ay ang universal health care, access sa edukasyon, trabaho at universal social pension para sa senior citizens.

Read more...