Pantay na haba ng araw at gabi, mararanasan ngayong araw

By Rhommel Balasbas September 23, 2018 - 04:47 AM

Starry Night Software / Space.com

Magkakaroon ng pantay na haba ang araw at gabi ngayong araw ng Linggo, September 23 na dalawang beses lamang nangyayari kada taon.

Ayon sa PAGASA, matapos ang araw na ito ay mararanasan na ang mas mahahabang gabi at maiikling umaga sa bansa.

Ito ay dahil sa tinatawag na autumnal equinox.

Paliwanag ng PAGASA, bababa sa celestial equator ang araw na mas tututok na sa mga bansa sa southern hemisphere.

Dahil dito, mas magiging mahaba ang araw sa mga bansa sa nasabing bahagi ng mundo.

Habang ang Pilipinas naman at mga bansa na nasa may northern hemisphere ay makararanas na ng mas mahahabang gabi.

Kada taon, dalawang araw nararanasan ang magkaparehas na haba ng araw at gabi.

Ito ay tuwing vernal at autumnal equinox na nararanasan tuwing Marso at Setyembre.

Sa equinox nagaganap ang pagtapat ng solar terminator o ang pagitan ng araw at gabi sa equator.

Samantala, kadalasang nagaganap ang autumnal equinox ng September 22 o 23, ngunit para sa taong ito, pumatak ito sa September 23.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.