Kris Aquino, nanindigang hindi tatakbo sa pagka-Senador sa 2019

By Rhommel Balasbas September 23, 2018 - 01:23 AM

Nanindigan ang Queen of All Media na si Kris Aquino na hindi siya tatakbo sa pagka-Senador sa 2019 midterm elections.

Ito ay matapos lumabas sa pre-election survey ng ng Pulse Asia na nasa pang-19 hanggang pang-23 na bracket si Aquino sa pagkasenador.

Sa kanyang post sa Instagram, sinabi ng actress-host na siya lamang ang nagbibigay ng pangangailangan ng kanyang dalawang anak na si Josh na anya na may special needs at si Bimby na 11 taong gulang pa lamang.

Madiin ang pahayag nitong hindi siya tatakbo para sa Senado.

Dagdag pa niya, unfair ito para sa pinsan at reelectionist na si Sen. Bam Aquino dahil  makailang beses na niyang itinanggi na hindi siya tatakbo ngunit napabilang pa rin ang kanyang pangalan sa survey.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.