Bilang ng mga pamilyang apektado ng Bagyong Ompong, umakyat na sa 411,000
Pumalo na sa 411,235 na pamilya o 1,727,771 indibibidwal ang nabiktima ng pananalasa ng Bagyong Ompong.
Sa ulat na inilabas kahapon ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) executive director Ricardo Jalad, ang mga biktima ay mula sa 4,605 baranggay sa Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Cordillera at National Capital Region.
Batay pa sa ulat, winasak ng bagyo ang 4,150 mga bahay habang nagtamo rin ng pinsala ang nasa 50,064 kabahayan sa Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon at Cordillera region.
Umabot na rin ang pinsala sa agrikultura at imprastraktura sa P17.97 bilyon o P3.63 bilyon ang sa imprastraktura at P14.34 bilyon naman sa agrikultura.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.